Mabubuting magkakaibigan sina Kambing, si Aso, at si Baka. Isang araw, naglakbay sila sa isang taksi.
Kapro, Hundo kaj Bovo estis tre bonaj amikoj. Iun tagon ili vojaĝis en taksio.
Nang matapos ang paglalakbay nila, pinagbayad ng drayber ang mga ito. Nagbayad si Baka.
Kiam ili atingis la finon de sia vojaĝo, la ŝoforo petis ilin pagi siajn tarifojn. Bovo pagis sian tarifon.
May sukli si Aso dahil hindi eksakto ang binayad niya.
Hundo pagis iom pli, ĉar li ne havis la ĝustan monon.
Ibibigay na sana ng drayber ang sukli ni Aso nang tumakbo si Kambing nang hindi nagbabayad.
La ŝoforo estis dononta al Hundo lian monŝanĝon, kiam Kapro forkuris sen pagi ion ajn.
Nainis ang drayber. Nagmaneho siya paalis nang hindi binibigay ang sukli ni Aso.
La ŝoforo tre incitiĝis. Li forkuris sen doni al Hundo lian monŝanĝon.
Iyan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, tumatakbo si Aso papunta sa kotse para silipin at hanapin ang drayber na may utang sa kanya.
Tial, eĉ hodiaŭ, Hundo kuras al aŭto por rigardi enen kaj trovi la ŝoforon, kiu ŝuldas al li lian monŝanĝon.
Tinatakbuhan ni Kambing ang tunog ng kotse. Natatakot siyang ma-aresto dahil hindi siya nagbayad.
Kapro forkuras de la sono de aŭto. Ŝi timas ke ŝi estos arestita, ĉar ŝi ne pagis sian tarifon.
At si Baka ay hindi naaabala kapag may sasakyang dumarating. Hindi siya nagmamadali sa pagtawid dahil alam niyang buo ang binayad niyang pamasahe.
Kaj bovo ne ĝenas sin, kiam aŭto venos. Bovo prenas sian tempon transirante la vojon, ĉar ŝi scias, ke ŝi pagis tutan sian tarifon.