Ito ang kuwento ni Ngede, ang Pastol ng Pulut-Pukyutan, at ni Gingile, isang binatang sakim. Isang araw, habang nangangaso si Gingile, narinig niya ang tawag ni Ngede. Naglaway si Gingile sa posibilidad ng pulut-pukyutan. Tumigil siya at nakinig nang maigi, naghanap hanggang sa makita niya ang ibon sa sanga sa itaas. “Twit-twit-twit,” kalansing ng munting ibon habang nagpalipat-lipat siya ng puno. “Twit, twit, twit,” tawag niya, paminsan-minsang tumitigil para siguraduhing nakasusunod si Gingile.
Jen la historio de Ngede, la Mielgvida Birdo, kaj avida junulo nomata Gingile. Unun tagon dum Gingile estis ĉasanta li aŭdis la vokon de Ngede. La buŝo de Gingile komencis akvumi pro la penso pri mielo. Li haltis kaj aŭskultis atente, serĉante ĝis li vidis la birdon en la branĉoj super sia kapo. “Ĉitik-ĉitik-ĉitik”, krakis la birdeto, dum li flugis al la sekva arbo, kaj la sekva. “Ĉitik, ĉitik, ĉitik”, li vokis, haltante de tempo al tempo por esti certa, ke Gingile sekvas.
Makalipas ang kalahating oras, naabot nila ang isang malaki at masukal na puno ng igos. Masayang lumukso si Ngede sa mga sanga nito. Sa wakas ay nanatili siya sa isang sanga at tumingin kay Gingile na para bang gusto niyang sabihin, “Ito na! Halika! Ano pa’ng hinihintay mo?” Walang makitang mga bubuyog si Gingile, pero pinagkatiwalaan niya si Ngede.
Post duonhoro ili atingis grandan sovaĝan figarbon. Ngede freneze saltetis inter la branĉoj. Li tiam staris sur unu branĉo kaj klinis sian kapon al Gingile kvazaŭ dirante, “Jen ĝi! Venu nun! Kio okupas vin tiom longe?” Gingile ne povis vidi iujn abelojn de sub la arbo, sed li fidis Ngede.
Ibinaba ni Gingile ang kanyang sibat sa ilalim ng puno, nag-ipon ng mga tuyo at maliliit na sanga, at gumawa ng maliit na apoy. Nang nagliyab nang mabuti ang apoy, naglagay siya ng isang mahaba at tuyong patpat sa puso nito. Kilala ang mga sangang ito sa paggawa ng malaking usok habang ito’y nasusunog. Nag-umpisa siyang umakyat, hawak ang malamig-lamig na bahagi ng patpat sa kanyang mga ngipin.
Do Gingile demetis sian ĉaslancon sub la arbon, kunigis kelkajn sekajn branĉetojn kaj faris fajreton. Kiam la fajro bone brulis, li metis longan sekan bastonon en la koron de la fajro. Ĉi tiu ligno estis speciale konata fari multon da fumo dum ĝi brulis. Li komencis grimpi, tenante la malvarmetan finon de la fumanta bastono en siaj dentoj.
Maya-maya ay narinig niya ang malakas na haging ng mga abalang bubuyog. Labas-pasok sila sa hungkag ng puno – ang kanilang pugad. Nang maabot ni Gingile ang bahay-pukyutan, itinulak niya ang patpat na may usok sa hungkag. Naglabasan ang mga bubuyog, galit at buwisit. Lumipad sila palabas dahil ayaw nila ng usok – ngunit lumabas sila habang binibigyan ng massakit na kagat si Gingile!
Baldaŭ li aŭdis la laŭtan zumadon de la okupataj abeloj. Ili eniris kaj eliris el kavaĵo en la arbotrunko – sia abelujo. Kiam Gingile atingis la abelujon, li puŝis la fumantan finon de la bastono en la kavon. La abeloj elflugis, koleraj kaj kruelaj. Ili forflugis pro la fumon – sed ne antaŭ ol ili donis al Gingile dolorajn pikilojn!
Nang lumabas ang mga bubuyog, ipinasok ni Gingile ang kanyang mga kamay sa loob ng pugad. Nakakuha siya ng isang dakot ng panilan na punung-puno ng pulut-pukyutan, at matataba at mapuputing uod. Iningatan niyang ilagay ang pulut-pukyutan sa supot na dala niya sa kanyang balikat, at bumaba mula sa puno.
Kiam la abeloj estis ekstere, Gingile puŝis siajn manojn en la neston. Li elprenis manplenojn da la peza mielĉelaro, gutanta per riĉa mielo kaj plena de dikaj, blankaj larvoj. Li metis la vaksaĵon zorge en la saketon, kiun li portis sur sian ŝultron, kaj komencis grimpi suben laŭ la arbo.
Nasaksihan ni Ngede ang lahat ng ginawa ni Gingile. Naghintay siyang maiwanan ng isang malaking piraso ng pulut-pukyutan bilang pasasalamat sa Pastol ng Pulut-Pukyutan. Humagibis siya sa mga sanga, papalapit nang papalapit sa lupa. Nang maabot ni Gingile ang ilalim ng puno, dumapo si Ngede sa isang bato malapit sa batang lalaki at naghintay sa kanyang gantimpala.
Ngede fervore spektis ĉion, kion Gingile faris. Li atendis, ke li lasu dikan pecon de mielĉelaro kiel dankoferon al la Mielgvidisto. Ngede flirtis de branĉo al branĉo, pli kaj pli proksime al la tero. Fine Gingile atingis la fundon de la arbo. Ngede sidis sur rokon proksime al la knabo kaj atendis sian rekompencon.
Ngunit pinatay ni Gingile ang apoy, pinulot ang kanyang sibat, at nag-umpisang maglakad pauwi nang hindi pinapansin ang ibon. Galit na tawag ni Ngede, “BIK-torrr! BIK-torrr!!” Tumigil si Gingile, tinitigan ang munting ibon, at tumawa ng malakas. “Gusto mo ng pulut-pukyutan ano, kaibigan? Ha! Pero ako ang naghirap para dito, at ako ang nakagat. Bakit ko ibabahagi ang kahit katiting ng masarap na pulut-pukyutan sa iyo?” At naglakad siya paalis. Galit na galit si Ngede! Hindi siya maaaring tratuhin ng ganoon! Pero makakapaghiganti rin siya.
Gingile estingis la fajron, prenis sian lancon kaj ekmarŝis hejmen, ignorante la birdon. Ngede kolere vokis, “VIC-torr! VIC-torrr!” Gingile haltis, fiksrigardis la birdeton kaj laŭte ridis. “Vi volas iom da mielo, ĉu ne, mia amiko? Ha! Sed mi faris la tutan laboron kaj ricevis ĉiujn de la pikojn. Kial mi dividu iun el ĉi tiu dolĉa mielo kun vi?” Poste li ekiris. Ngede furiozis! Ĉi tio ne estis maniero trakti lin! Sed li venĝos.
Isang araw makalipas ang ilang linggo, muling narinig ni Gingile ang pantawag sa pulut-pukyutan ni Ngede. Naalala niya ang masarap na pulut-pukyutan at sabik na sinundang muli ang ibon. Matapos pangunahan si Gingile sa dulo ng kagubatan, nagpahinga si Ngede sa isang malaking payong na tinik. “Ahh,” isip ni Gingile. “Marahil ay nasa punong ito ang pugad.” Dali-dali siyang gumawa ng maliit na apoy at nag-umpisang umakyat, at nilagay ang patpat na pang-usok sa ngipin niya. Naupo at nanood si Ngede.
Unun tagon plurajn semajnojn poste Gingile denove aŭdis la mielan vokon de Ngede. Li memoris la bongustan mielon, kaj fervore sekvis la birdon denove. Post gvidado de Gingile laŭ la arbara rando, Ngede haltis por ripozi en granda ombrela dornarbo. “Ahh,” pensis Gingile. “La abelujo devas esti en ĉi tiu arbo.” Li rapide faris sian malgrandan fajron kaj komencis grimpi, la fumanta branĉo en liaj dentoj. Ngede sidis kaj rigardis.
Umakyat si Gingile, nagtataka kung bakit hindi niya marinig ang karaniwang haging. “Baka nasa looban ng puno ang bahay-pukyutan,” isip niya. Itinulak niya ang sarili niya sa isang sanga. Pero sa halip na bahay-pukyutan, nakita niya ang sarili niyang nakatitig sa mukha ng isang leopardo! Galit na galit si Leopardo dahil naudlot ang tulog niya. Nagdilim ang kanyang paningin, at binuksan ang kanyang bibig para ilabas ang kanyang napakalaki at napakatalas na mga ngipin.
Gingile grimpis, miranta kial li ne aŭdis la kutiman zumadon. “Eble la abelujo estas profunde en la arbo,” li pensis al si. Li tiris sin supren laŭ alia branĉo. Sed anstataŭ la abelujo, li fiksrigardis la vizaĝon de leopardo! Leopardo tre koleris pro la kruda interrompo de sia dormo. Ŝi duonfermis la okulojn kaj malfermis la buŝon por malkaŝi siajn tre grandajn kaj tre akrajn dentojn.
Bago pa man mahagupit ni Leopardo si Gingile, dali-dali siyang bumaba mula sa puno. Sa kanyang pagmamadali ay hindi siya nakaapak sa isang sanga, bumagsak siya lupa, atnapihit ang bukung-bukong. Dali-dali siyang umika. Sa kabutihang palad, masyadong antok na si Leopardo para habulin siya. Nakuha ni Ngede, ang Pastol ng Pulut-Pukyutan, ang kanyang paghihiganti. At may natutunang aral si Gingile.
Antaŭ ol Leopardo povis ĵeti sin al Gingile, li rapidis suben laŭ la arbo. Pro hasto, li maltrafis branĉon, kaj alteriĝis peze sur la teron tordante sian maleolon. Li marŝis kiel eble plej rapide. Feliĉe por li, Leopardo ankoraŭ estis tro dormema por postkuri lin. Ngede, la Mielgvidisto, venĝis sin. Kaj Gingile lernis sian lecionon.
At dahil diyan, iginagalang ng mga anak ni Gingle si Ngede, ang munting ibon, sa tuwing maririnig nila ang kuwentong ito. Sa tuwing maga-ani sila ng pulut-pukyutan, sinisigurado nilang iiwan nila ang pinakamalaking bahagi nito para sa Pastol ng Pulut-Pukyutan!
Kaj do, kiam la infanoj de Gingile aŭdas la historion de Ngede, ili respektas la birdeton. Kiam ajn ili rikoltas mielon, ili certe lasas la plej grandan parton de la mielĉelaro por Mielgvidisto.